Namaril dahil sa utang sa Pampanga, tiklo sa Maynila

October 6, 2021 Francis Naguit 209 views

ISANG 26-anyos na lalaki ang nagtago umano sa Maynila makaraang mabigong mapatay ang kapwa nito Muslim sa Angeles City, Pampanga.

Nakilala ang suspek na si Ogan Taruc Abdusalam, residente ng Sitio Ipil (Badjao Community), Bgy. Malabanias, Angeles City.

Nag-ugat ang pagkakadakip sa suspek matapos mabaril ang kababayan nitong si Sadam Angilan, 28, ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat ng Angeles Police Station 4, Pampanga PPO, PRO 3, nitong nakaraang October 5, 2021 bandang 2:40 ng madaling araw nang barilin umano ng suspek ang biktima sa Sitio Ipil sa Angeles City, Pampanga dahil umano sa utang ng suspek.

Nagtago umano sa Maynila si Abdusalam subalit sa kanyang pinagtaguan sa Malate ay may mga kamag-anak ang biktima na nagsumbong sa Malate Police Station 9 upang maaresto ang suspek.

Ang team ng MPD – Station 9 at pinagsanib na puwersa ng PNP- Angeles City Police ay nagsagawa ng operation bandang 12:20 ng tanghali nitong Miyerkules upang maaresto ang suspek sa Camia St., Brgy 704, sa Malate Manila, habang pagala gala sa lugar.

Ayon sa report ng pulisya, utang ng biktima sa suspek ang naging dahilan para barilin ito. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE