Nakaupong bangkay ng lolo natagpuan

January 5, 2022 Jonjon Reyes 123 views

NAKA- UPO pa nang matagpuang wala ng buhay ang isang 78-anyos na lalaki sa Paco, Manila, nitong miyerkoles ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Cecilio Villamil Rohel, residente ng 1164 J. Nakpil St., Paco, Maynila.

Base sa ulat ni Det. Jansen Rey San Pedro, ng Manila Police District-Homicide Section, bandang 10:15 a.m.ng Enero 5, nang respondehan ang tawag ng Barangay 668 hinggil sa reklamo ng mga residente na nakakasulasok na amoy ang nagmumula sa bahay ng biktima.

Sapilitang binuksan na ng mga opisyal ng barangay ang bahay na pinagmumulan ng napakabahong amoy at tumambad sa kanila ang biktima na nakaupo sa kahoy na bangko.

Walang kasama sa bahay ang biktima dahil wala umano itong pamilya.

Isasailalim sa awtopsiya ang bangkay para matukoy ang sanhi ng kamatayan nito. Jon-Jon Reyes at C.J. Alino

AUTHOR PROFILE