Nakakulong na, naaresto pa sa kasong pagnanakaw

November 16, 2021 Francis Naguit 85 views

DAHIL sa patuloy na isinasagawang Simultaneous Anti – Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Manila Police District, isang 22-anyos na binata ang sinilbihan ng warrant of arrest para sa kasong robbery sa loob ng Manila City Jail (MCJ) sa Sta. Cruz, Manila, Lunes ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Michael Estreller, jobless, ng 1661 Crisolita St., San Andres Bukid, Manila.

Batay sa ulat ni P/ Lt.Col. Orlando Mirando Jr., MPD- Sta.Ana Police Station 6 commander, bandang 6:30 p.m. nang magtungo ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ni P/ Major Geuel Capuz, hepe ng Intelligence Unit, at si P/ Lt.Renato Ramento, ng Warrant and Subpoena Section, at ilang tauhan ng Station 6 sa loob ng MCJ.

Bitbit ng mga otoridad ang arrest warrant na inisyu laban sa suspek ni Judge Jose Lorenzo Dela Rosa, ng Regional Trial Court Branch 4 ng Manila, para sakasong robbery na may inirekomendang P10,000 na piyansa.

Ayon sa rekord ng korte, si Estreller ay kasalukuyang nakakulong sa MCJ sa kasong paglabag sa New Anti – Carnapping Act of 2016, nitong Marso 1, 2021. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE