
Nakakatulo-laway
NAGLAWAY ang mga barako dahil sa labis na pagpapainit na ibinida ng vlogger-actress na si Zeinab Harake.
Lawit-dila ang kanyang social media followers sa nanlalamon na kaseksihan ng social media star.
“Wind in my hair, salt on my skin,” maikling caption niya sa nasabing post.
Masusulyapan ang magandang katawan ni Zeinab sa suot niyang two-piece bikini habang todo pose sa buhanginan sa tabi ng dagat.
Sa larawan bumulaga ang magandang korte ng wangkata ng social media star, pati na ang mala-Diyosa nitong ganda na pinagpipiyestahan lagi ng mga barako.
Hindi nga lang mga kalahi ni Adan ang naakit ng tukso ni Zeinab dahil maging ang mga kalahi ni Eba ay bet na bet na rin siyang kagatin.
Napa-react din ang kanyang kapwa vlogger-actress na si Alex Gonzaga sa post.
“Teka lang…” sey ni Alex kay Zeinab.
Hanggang zoom in lang din ang mga kelot sa larawan niya dahil hindi na nila pwedeng maigarahe si Zeinab. Malabong magkaroon sila ng tiyansa sa vlogger-actress lalo na’t nobyo nito ang Fil-Am basketball player na si Bobby Ray Parks Jr.