Arah Larawan mula sa IG/Arah Alonzo

Nakakapaso

February 10, 2025 People's Tonight 195 views

NAKAKAPASO ka naman!”

‘Yan ang sigaw ng netizens sa naglalagablab na katawan ng Vivamax actress na si Arah Alonzo.

Wala mang kapangyarihang apoy ang sexy star, nakakapaso ang hotness niyang dala sa mga larawang ibinahagi niya sa kanyang Instagram page.

“Just another beach pic popping in your news feed,” sey niya sa caption.

Pero para sa kanyang male fans, hindi lang basta bikini photos ang ibinandera ni Arah. Dahil para sa kanila, lalamanin ito ng kanilang pantasya.

Talaga namang mabubuhayan ang kahit na sinong barako sa apaw na alindog ng hot actress habang suot niya ang kanyang two-piece bikini.

Bakat ang abs ng bebot. Kakaiba ang init na dala ng kanyang toned body. Pati nga sa hubog niya, hulog na hulog ang mga kelot dahil sa pagkaperpekto ng hugis nito.

Nag-ala marshmallow na dahan-dahang natutunaw sa apoy ng kanyang alindog ang mga kalahi ni Adan sa comment section ng post. Tinupok ng fire emojis at hearts ang larawan ni Arah.

“Sarap mo pucha!” hirit pa ng isang netizen.

Nakilala si Arah sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Araro (2023), Sex Games (2023) at Star Dancer (2023).

AUTHOR PROFILE