Kabitan

Nakakaintrigang kwento ng mga kabit at babaeng bayaran tampok sa VMX

November 23, 2024 Ian F. Fariñas 88 views

PaladKuwento ng mga kalaguyo at isang babaeng bayaran. Dalawang nakakaintrigang pelikula ang kasalukuyang streaming sa VMX.

Dalawang babae na kapwa kabit ay magkakaroon ng mainit na relasyon. Ito na ba ang pag-ibig na tunay na magpapaligaya sa kanila?

Mula sa direksyon ni Sigrid Polon, si Athena Red ay gumaganap bilang Alice. Nakaka-intimidate ang ganda niya, pero mababanaag ang kalungkutan sa kanyang mukha.

Nakatira siya sa isang condo na nagsisilbing love nest nila ng kanyang boyfriend na may asawa.

Si Alessandra Cruz naman ay si Mika. Bagong-lipat ito sa katapat na unit ni Alice, at dahil sa ingay niya sa paglilipat ay napansin agad siya ni Alice.

Nagsimula ang pagkakaibigan nila nang magkita sila sa labas ng kanilang unit. Aaminin ni Mika na isa rin siyang kabit, pero ‘di tulad ni Alice, si Mika ay nasa honeymoon stage pa sa kanyang boyfriend na si Van.

Papayuhan ni Alice si Mika kung paano mananatiling baliw sa kanya ang boyfriend.

Pero dahil hindi prayoridad ang mga kabit, maraming panahon na mag-isa si Mika tuwing espesyal na okasyon. Si Alice lang ang nandiyan para sa kanya. Aaminin ni Alice na may gusto ito sa kanya. Magkaka-relasyon na nga ang dalawa kahit tuloy pa rin ang kanilang pagiging kabit sa mga karelasyon nilang lalaki.

Laking gulat ni Mika nang makipaghiwalay si Van sa asawa niya at siya ang piniling makasama. Paano na si Alice?

Sa dami ng komplikasyong pinagdaanan nila sa pag-ibig, paano haharapin ng dalawang bida ang sitwasyong ito? Sundan ang kwentong “Kabitan”, kasama rin sina Juan Paulo Calma at Chester Grecia.

Isa pang mapapanood sa VMX ngayong November ay ang “Maryang Palad.”

Para sa isang taong nagmamahal, ang iniibig ay palaging perpekto ano man ang gawin nito. Ganyan ang kuwentong pag-ibig nina Lando at Marya.

Pelikula ni Rodante Pajemna Jr., ang “Maryang Palad” ay tungkol sa isang mandaragat na muling makikita at iibig sa kanyang childhood crush kahit nang malaman niyang isa na itong masahista na nagpapabayad para romansahin ang mga kliyente.

Si Lando (Vince Rillon) ay isang masipag na mandaragat na nagtatrabaho para kanyang magulang at mga kapatid. Habang nasa barko, muli niyang makikita ang childhood crush na si Marya (Sahara Bernales), isang masahista na sumasampa sa barko gabi-gabi para magserbisyo sa mga mandaragat. Bukod sa pagmamasahe, ginagamit din ni Marya ang “mahiwagang kamay” para magbigay ng “extra service,” na gustong-gusto at hinahanap-hanap ng mga nakakaranas nito.

Kahit na ganito, hindi nawala, kundi ay mas tumindi pa ang pagmamahal ni Lando para kay Marya.

Kahit maraming responsibilidad sa pamilya, susubukang kumbinsihin ni Lando si Marya na iwan na nila ang kanilang mga trabaho, kalimutan ang nakaraan at magsimula muli nang magkasama.

Sasang-ayon kaya si Marya sa plano ni Lando?

Anong kapalaran ang naghihintay para sa dalawa? Alamin at panoorin ang “Maryang Palad” sa VMX.

AUTHOR PROFILE