NAIA Ang kuha sa CCTV kung saan huling isinusubo ng suspek ang $300. Photo courtesy ng MIAA Terminal 1

NAIA sikyu sinubo $300 na ‘ninenok’ sa pasahero

September 19, 2023 Jun I. Legaspi 696 views

ISANG female security officer ng Ninoy Aquino Intenational Airport (NAIA) Terminal 1 ang nakuhanan sa CCTV na nagsubo ng US$300 na pinaniniwalaang ninakaw nito sa isang papaalis na foreiner sa bansa.

Ayon sa mga awtoridad kasalukuyan nilang masusing iniimbestigahan ang nasabing female security personnel matapos positibong makunan ng Closed Circuit Television (CCTV) na isinubo umano nito ang $300.

Gayunman hindi na nagsampa ng reklamo ang negosyanteng foreiner at ipinaubaya na sa nga awtoridad ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang kaso.

Ayon sa MIAA management nangyari ang insidente sa NAIA T1 sa routine Final Security check kung saan nakatalaga ang suspek.

Ayon sa mga awtoridad inalis na sa kanyang pwesto ang suspek at inalisan na ng mga access sa NAIA habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Ayon kay NAIA Manager Brian Co matapos ang investigation at mapatunayan guilty ang suspek agad itong aalisin at sasampahan ng kaso.

AUTHOR PROFILE