Vic Reyes

NAIA alerto kontra droga

August 18, 2024 Vic Reyes 206 views

NOONG nakaraang linggo, dalawang foreign nationals ang inaresto ng mga eagle-eyed authorities sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.

Ayon sa Bureau of Customs (BOC) sa NAIA, ang mga ito ay may dala-dalang illegal na droga — shabu at high-grade marijuana.

Sinabi ng BOC-NAIA na noong Agosto 13 ay isang pasaherong South African na galing ng Abu Dhabi ang nahulihan ng shabu.

Sakay ng Etihad Airways, ang suspek ay may dalang 5.256 kilograms ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit na P35 milyon.

Kinabukasan, Agosto 14, ay isa namang Thailander ang nahulihan ng kush o high-grade marijuana na tumitimbang ng 14.8 kilograms.

Ito’y nagkakahalaga ng P20.7 milyon. Ang suspek ay sakay ng Thai Airways.

Kasama ang mga illegal na droga, ang dalawang suspek ay nasa kamay na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sila ay kakasuhan sa paglabag sa Republic Act No. 91.65 o Comprehensive Drugs Act of 2002 at RA 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).

Sa isang pahayag, muling binalaan ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang mga taong sangkot sa illegal drugs trade.

Ayon kay Rubio, ang anti-drug campaign ay pagtalima sa utos ni Pangulong Marcos na lalong paigtingin at wakasan na ang drug menace,

Ang focus ng kampanya ni Pangulong Marcos, na tinawag na bloodless war, ay ang mga high value target.

Ang mahalaga ay madala sa mga drug rehabilitation centers ang mga drug dependents para magamot.

Kagaya ng marami, ang mga adik ay mga biktima lamang na dapat matulungan ng gobyerno para magbagong buhay.

Sinabi naman ni BOC-NAIA District Collector Yasmin O. Mapa na nananatiling alerto ang kanyang mga tauhan para bantayan ang “nation’s borders.”

Sa kampanya laban sa droga, kasama ni Yasmin ang mga taga-PDEA at NAIA Inter-Agency Interdiction Task Group.

****

Kamakailan ay pinuri ng mga senador ang mga revenue generating agencies ng gobyerno.

Ito ang Bureau of Customs (BOC), Bureau of Internal Revenue (BIR) at Department of Finance (DOF) Corporate Affairs Group.

Tinawag nga ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel na “exceptional” ang revenue collection performance” ng gobyerno.

Sinabi niya ito noong magkaroon ng briefing session nf Senate committee on finance “on the proposed 2025 national expenditure program.

Bago nito ay sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto na ang “mid-2024 collections hit P2.15 trillion from P1.9 trillion collected in the same period last year.”

Sinabi naman ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio na ang ambag ng ahensiya sa koleksyon ay umabot ng P455.518 billion.

***

Tag-ulan na naman at balik na naman ang maraming sakit na kagaya ng leptospirosis, dengue, ubo, sipon at diarrhea.

Kaya mahalaga na nasa government health centers lang mga gamot para sa mga sakit na ito.

Alam niyo naman na maraming kababayan natin na hindi makapunta sa mga pribadong ospital o clinic para magpagamot.

Grabe ang kahirapan ngayon at nandiyan pa ang pagtaas ng presyo ng mga basic commodities.

Hindi natin sinisisi ang gobyerno dahil worldwide naman ang nararanasang kahirapan.

Ang magagawa ng gobyerno ay tulungan ang mga mahihirap, lalo na ang mga walang trabaho, magsasaka at mangingisda.

(Para sa inyong komento at suhestiyon. Mag-text sa #0917-8624484/email:[email protected]. Ilagay lang ang huong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE