Nagtampo sa bf, nakitulog, nagahasa

May 14, 2021 Melnie Ragasa-limena 184 views

NAGTAMPO sa boyfriend, nakitulog, nahalay. Ito umano ang naging malungkotvna karanasan ng isang dalaga sa Quezon City.

Ang biktima ay nakitulog sa bahay ng kaniyang kaibigan upang palipasin umano ang kanyang tampo sa kaniyang boyfriend.

Ang suspek aynakilalang si Alexis Jaranilla, 23, binata, machine operator, at naninirahan sa Room 2 Chua Compound, Alhambra St., Brgy. Damayan, Quezon City.

Sa report ni PCpl Kathleen Quejado ng Women and Children Protection Desk ng Masambong Police Station 2 ng Quezon City Police District (QCPD), sinabi ng 22 anyos na biktima na residente ng Brgy. Masambong, bandang ala-1 ng madaling araw (May 11) ng maganap ang panghahalay sa kaniya sa loob ng tahanan ng suspek.

Ayon kay Gina nagpunta siya sa bahay ng suspek at pinakiusapan na doon muna siya magpapalipas ng magdamag dahil masama umano ang loob niya sa kaniyang live-in partner.

Nang dumating umano ang biktima sa bahay ng suspek ay nakikipag-inuman ito sa kaniyang roommate at inanyayahan na rin siyang tumagay ng alak pero tumanggi umano siya.

Habang nag-iinuman ang suspek at kasama nito ay napagpasyahan na lamang ng biktima na matulog.

Makalipas ang ilang oras ay naramdaman umano ng biktima na may humihimas sa maseselang bahagi ng kaniyang katawan.

Agad na napabalikwas ang biktima pero pinigilan siya ng suspek at pinagbantaan na huwag sisigaw.

Dahil malakas ang kaibigan ay walang nagawa ang biktima hanggang maisaktuparan umano ang panghahalay sa kaniya.

Matapos ay agad na nagsumbong ang biktima sa kaniyang live-in partner sa ginawang panghahalay ng kaibigan at ipinaaresto ito.

Nakapiit na ang suspek habang inihahanda ang kasong rape laban sa kaniya.