CIA Photo Bureau of Immigration

Nagpanggap na babysitter naharang ng BI sa CIA

November 8, 2024 Jun I. Legaspi 111 views

HINARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport (CIA) ang babaeng biktima ng trafficking matapos magpanggap na babysitter na bumibiyahe kasama ang kanyang amo noong Nobyembre 2.

Ang biktima, 29, nagtangkang umalis patungong Malaysia sa pamamagitan ng flight ng Cebu Pacific Airlines.

Sinabi niya na ang mag-asawa kanyang mga amo, at siya nagtatrabaho bilang isang yaya para sa kanilang 3-buwang gulang na anak na babae.

Napansin ng mga tauhan ng BI ang maraming hindi pagkakapare-pareho sa kanilang mga pahayag, na nag-udyok ng pangalawang inspeksyon.

Sa huli inamin ng biktima na nakilala niya ang kanyang recruiter, ang kanyang babaeng kasama, sa pamamagitan ng Facebook kung saan inalok siya ng surrogacy opportunity sa Malaysia.

Sa panibagong pagsisiyasat, natuklasan na tatlo ang dapat na paaalisin ng recruiter patungo sa Malaysia upang maging gestational surrogates, ngunit isa lamang ang natuloy.

Nag-inquire umano ang biktima online tungkol sa pagiging surrogate mother sa Malaysia sa pamamagitan ng IVF.

Sinabi niya na ayaw niyang ipagpatuloy ang pagiging surrogate mother, at gusto niyang mag-apply na maging yaya.

Ang biktima ay inirefer na sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa tulong, habang ang trafficker ay maaaring makasuhan dahil sa paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022.

AUTHOR PROFILE