Nagpakalat ng pekeng nude photo ni Alden, kakasuhan
Sa pamamagitan ng isang official statement na inilabas last Monday, nagbigay ng babala sa netizens ang Sparkle GMA Artist Center sa mga nagkakalat ng fake nude photo ni Alden Richards.
“It has come to our attention that a photo of our artist, Mr. Alden Richards, appearing to be unclothed, is circulating online.
“We wish to inform the public that the said photo is fake and digitally altered using a picture that Richards posted on his social media account months ago,” ang simula ng official statement.
Nakasaad din na mahigipit nilang kinukondena ang mga ganitong malisyosong gawain.
“Mr. Richards is a role model for many people and we strongly condemn perpetrators of malicious activities related to our artists, including the spreading of groundless information and defamation,” it said.
Ipinahayag din ng management na magsasagawa sila ng legal action laban sa mga taong sangkot sa pagpapakalat ng fake photo ni Alden.
“GMA strongly denounce criminal use of social media. We will be seeking legal recourse against those involved in the posting and sharing of this fake photo as well as those posting libelous comments on said photo.
“We all need to guard against fake news, so we urge the public to think before they click,” saad ng statement.
SUPER PATOLA
Super patola these days si Pokwang sa kanyang mga basher.
Talagang patol siya nang patol at sagot nang sagot sa mga negative comment about her.
Grabe rin naman kasi talaga ang mga basher niya ngayon na obviously, karamihan ay mula sa kalaban ng sinusuportahan niyang Presidential candidate.
Isa sa ikinagigigil ng komedyana ay ’pag sinasabing bayaran siyang supporter.
Ilang beses na niya itong sinagot pero hindi siya pinaniniwalaan ng iba.
Sa bago niyang tweet kahapon, ayon kay Pokie ay napakarumi at nakakadiring salita raw ang “bayaran.”
“Okey lang kung di kayo naniniwala na free ang pagtuntong namin sa bawat rally ni VP Leni, wag nyo lang kming tawaging bayaran dahil yan ang pinaka maduming salita at nakakadiri!! kahit itanong nyo pa sa mga nagpapabayad dyan na kilalang kilala nyo hahahaha,” tweet ni Pokie with the hashtag “PinkAngPokienyongLahat.”
Iniengganyo rin ni Pokwang ang lahat na seryosohin ang darating na eleksyon at huwag ibenta ang dangal at prinsipyo.
“’Wag tayong magpayabangan ng suporta sa bawat kandidato natin, wag tayong patapangan at pataasan ng ihi Hindi ito contest! seryosohin natin ito! ELEKSYON! nakasalalay kinabukasan ng ating mga anak at apo dito! Wag mo ibenta ang prinsipyo at dangal ng pamilya mo,” tweet ng komedyana.