Kulong

Nagnenok ng printer swak sa selda

December 1, 2023 Jonjon Reyes 127 views

SWAK sa selda ng Manila Police District-Sta Cruz Police Station 3 ang 19- anyos na binatilyo dahil sa pangnenenok ng printer sa Odeon Mall sa Claro M. Recto Avenue at Rizal Avenue sa Sta. Cruz, Manila noong Biyernes.

Sa pamamagitan ng isa sa tauhan ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, station commander, naalambat ang suspek na si alyas Ken na residente ng Blumentritt St., Sta. Cruz, Manila.

Bandang alas-11:30 ng umaga nang masalisihan ni Ken ang isang stall sa ground floor ng mall, ayon sa mga pulis.

Nakulimbat ng suspek ang itim na Epson printer L3210 na nagkakahalaga ng P9,000.

Natiklo ang suspek nang humingi ng tulong ang saleslady. Isang security guard ang nakipag-coordinate sa tauhan ni Gutierrez at doon natimbog ang lalaki.

AUTHOR PROFILE