Kulong

‘Nagnakaw’ ng panabong kulong

December 1, 2023 Melnie Ragasa-limena 159 views

NAHAHARAP sa kasong qualified theft ang isang lalaki matapos umanong tangayin ang isang manok na panabong Huwebes ng gabi sa Quezon City.

Nakapiit na sa Quezon City Police District Police Station 10 ang suspek na si Alvin Ortega, 32, ng Blk 49 Alupihan Dagat, Brgy. Lungos, Malabon.

Batay sa reklamo ni John Eric Garcia, 29, nangyari ang insidente dakong alas 11 ng gabi nitong Huwebes.

Pauwi na si Garcia sakay ng kanyang motorsiklo nang makita niya ang suspek na papalabas ng kanyang bahay sa 22 Campopot St., Brgy. Roxas District, Quezon City.

Bitbit ng suspek ang isang ecobag na naglalaman umano ng dalawang Texas na manok na nagkakahalaga ng P24, 0000.

Agad na sinita ni Garcia ang suspek na nagtangka pang tumakas.

Nabawi naman ang isang manok panabong subalit nawawala naman ang isa pa.

Inaalam naman ng pulisya kung may koneksiyon ang suspek sa ilan pang insidente ng nakawan ng manok sa lungsod.