Default Thumbnail

Nagmukhang lugaw si Leni Robredo!

January 27, 2022 Marlon Purification 1789 views

Marlon PurificationNOONG una hindi ko pinapansin kung bakit tinatawag na lugaw ng kanyang mga kalaban si Leni Robredo.

Ang akala ko branding lang ito sa kanya kasi mahilig siyang magpakain ng lugaw.

Pero iyon pala, medyo may kahinaan nga si Leni. Mahinang sumagot sa media interview at ang babaw lagi ng argumento.

Ang isa pa sa pinagtatawanan sa kanya ay ang inuulit ang isang salita sa tuwing ikalawa nitong pangungusap.

Kaya nga kahit sa memes sa social media ay klik na klik ang pagiging klasik ni Leni.

Ang pinakahuling pinagtripan ngayon ng mga netizens ay ang ‘One word question portion’ ni Jessica Soho sa kanyang ‘The Jessica Soho Presidential Interviews.’

Halimbawa rito sa ipinakitang ritrato ng isang malnourished kid na ang isinagot mismo ni Leni ay malnutrisyon.

“Natural malnutrisyon, malnourished kid nga eh,” komento ng isang netizens.

Nang ipakita ang American flag, ang isinagot ni Robredo ay American flag din, gayundin sa flag ng China na ang isinagot naman nito ay Chinese flag.

“Para lang siyang elementary pupil na ipinakita ang picture tapos sasabihin kung ano iyon. Ang tanong nga kung ano ang masasabi niya at hindi tinatanong kung ano yung nasa picture. Kamote talaga!,” sabi ng isang tricycle driver sa kanyang FB account.

Ang mga sagot din ni Leni ay malayong hindi hamak sa tugon ni Isko na ‘trade partner’ at ‘allies’ ni Isko.

Nakumpara rin si Leni sa mga sagot ni Bongbong Marcos sa ‘The 2022 Presidential One-On-One Interviews with Boy Abunda.’

Ang lahat ng sagot ni BBM ay smarte, matalino at malalim, samantalang ang biyuda ni Jesse Robredo ay kailangan pang i-guide siya ng kilalang talk show.

Hindi siya nagbigay ng soluyson sa anumang topic o problema at kundi nagku-kwento lamang ito na wala namang kalaman-laman ang pinagsasabi.

Sabi nga ng kausap ko, ‘Mabuti pa si Lola Basyang, may sense, siya kahit common sense, wala!’

Isa pa sa maraming na-turn off kay Leni ay nang awayin nito ang lahat ng kapwa presidentiable.

Sa tanong na: “Bakit hindi dapat iboto ang iba pang presidential aspirants,” ang sagot ni BBM ay ayaw niyang magsabi ng negatibong pahayag sa mga katunggali.

Samantalang si Leni, ang sagot niya kontra kay Marcos ay; “Number 1, sinungaling. Pangalawa, In the difficult moment di siya nagpapakita.”

Kay Isko ay: “Hindi klaro paninindigan sa ibang bagay.’ Ang upak naman nito kay Lacson ay: “Maraming salita pero kulang sa on the ground na gawa’ at kay Pacquiao ay: “ito ang malungkot Boy, pero yung kabutihan ng loob sa atin hindi dapat!’

Sa nangyaring ito, dito nakita kung gaano kababaw at nagmukhang tanga si Robredo.

Si Marcos kasi na bugbog na ng banat at batikos sa loob halos ng 35 taon ay nananawagan ng Unity, samantalang si Leni ay umaatake pa rin.

“Kung sino pa iyong babae, siya pa iyong butangera at palaaway!” sabi pa naman ng isa pang netizens.