
Naglalagablab na abs
TILA nanlambot ang netizens sa solid na abs ng aktres na si Jessy Mendiola.
Sa kanyang Instagram page, pasabog kung umawra sa arawan ang celebrity mom sa mga ibinahagi niyang larawan.
Sinabayan ni Jessy ang tirik ng araw nang magtungo sa isang beach. Perfect sa umiinit na panahon ang suot niyang floral two-piece bikini na nagpaangat sa alindog ng aktres.
Wala pa ring kupas ang alindog na mayroon si Jessy. Kahit nga ay nanganak pa siya, walang bakas ng kahit anong stretch marks ang tiyan niya. Ubod ng kinis at pagka-fresh si Jessy na para bang bulaklak siyang hindi nauubusan ng halimuyak.
Sigaw nga ng kanyang followers sa post nito, “grabe naman sa abs, mamiii!!!”
Nabuhayan ang male fans ni Jessy na parang nakainom ng kape sa pa-pandesal ng aktres.
Kung alindog at kagandahan lang din ang pag-uusapan, tamang-tama ang timpla ni Jessy. Petmalu ang kanyang toned body at glowing naman ang kanyang mestiza beauty.
Naloka ang netizens sa kanyang comment section. Binaha nila ng mga puso at fire emojis ang kanyang mga larawan.
“Grabeee naman napakaganda ng katawan nya,” reaksyon pa ng isang IG user.