Pacman

Nagkalat ng fake news, walang lusot kina Manny at Jinkee

February 2, 2023 Ian F. Fariñas 535 views

Nagsalita na rin si Jinkee Pacquiao hinggil sa napapabalitang buntis siya at hiwalay na sila ng mister na si Manny Pacquiao.

Sa Today’s Talk segment ng Fast Talk with Boy Abunda, ibinalita ng host na si Boy Abunda na nag-reach out sila kay Jinkee at ayon sa misis ng boxing champ, walang katotohanan ang mga balita.

“Hindi ako buntis, hindi kami magkahiwalay ni Manny, we are very much in love with each other and we’re doing great,” sabi raw ni Jinkee.

Sa ngayon ay pinaiimbestigahan na ng mag-asawa kung sino ang may pakana ng fake news na ito.

ALEX, INIIMBITANG MAKIPAG-USAP NI BOY

Bina-bash na naman ngayon si Alex Gonzaga matapos magsalita ni Dina Bonnevie sa Fast Talk With Boy Abunda na umere last Tuesday.

Sa nasabing panayam ay diretsong inamin ni Miss D na si Alex nga ang tinutukoy niya noon sa past interview na primadonna at laging late sa taping.

Nagkasama noong 2011 sina Alex at Dina sa teleseryeng PS I Love You ng TV5.

Kinumpirma ni Dina na talagang laging late si Alex sa set at hindi lang siya ang naiinis kundi maging ang mga co-star nilang sina Gabby Concepcion, Nadine Lustre at iba pa.

Napag-usapan daw nilang cast members na siya na ang kumausap kay Alex dahil pagod na pagod na ang lahat sa ’di kagandahang work habit nito.

Kinausap daw niya si Alex nang maayos at hindi totoo na pinagsisigawan niya ito tulad ng sinabi ni Alex sa podcast niya last December.

“If you want to stay long in this business, you cannot last kung ganyan ang attitude mo na palagi kang late, dito ka pa maliligo sa set, and you know, you cannot even memorize your lines, hindi ka makaiyak,” ang kwento ni Dina na sinabi niya kay Alex.

“And then, nagagalit siya kay Nadine kung nauunang umiyak si Nadine. Eksena niya raw ‘yun,” kwento pa ni Dina.

That day ay nagtapos daw sila nang maayos at nagkaiyakan pa. Up to now ay hindi naman daw siya galit kay Alex.

Dahil sa rebelasyon ni Dina about Alex and Nadine, galit na galit ngayon ang fans ni Nadine sa kapatid ni Toni Gonzaga.

“Lol Alex Gonzaga?? Nagagalit kay Nadine Lustre dahil nauuna syang umiyak sa eksena?? Kasalanan ba ni ate girl na hindi ka magaling umarte??” tweet ng isang maka-Nadine.

Dagdag pa niya, “The fact that Nadine never badmouthed her throughout the years din. Explains so much why she’s successful while the other one is always trending for all the wrong reasons.”

Anyway, inanyayahan naman ni Kuya Boy si Alex na mag-guest din sa kanyang programa para sa kanyang panig ang let’s see kung papayag ang vlogger/actress.

AUTHOR PROFILE