
Nagka-cara y cruz na may boga pa, timbog
INARESTO ng mga pulis-Manila ang dalawang lalaki sa aktong nagka-cara y cruz at nahulihan pa ng baril ang isa sa mga naaresto sa Sta. Lucia St., Brgy. 658, Intramuros, Manila noong Linggo.
Nakilala ang dalawa na sina alyas Andron, 20, at alyas Ian, 32, ayon sa report.
Sa pagkakahuli, kinumpiska ng mga pulis ang pera na taya sa sugal at isang cal .38 revolver at isang bala.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).