
Nag-viral na ‘pulis’ pinaiimbestigahan
PINAIIMBESTIGAHAN ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Redrico A. Maranan, ang nag-viral sa social media tungkol sa isang nagpakilalang pulis na matapos mabundol ang isang rider at pasahero nito ay inangasan saka tinakasan sa Mindanao Avenue sa lungsod.
Batay sa Facebook post ng isang Rayou Carbonnel, pasahero ng rider, habang binabaybay nila ang Mindanao Ave. ay biglang nag-overtake sa kanila ang isang lalaki na naka-motor rin at nabangga sila.
Pero sa halip na tumigil ay pinaharurot pa umano ng lalaki ang kaniyang motor kaya hinabol ito ng rider para komprontahinn at panagutin sa nasirang bahagi ng kaniyang motorsiklo, maging ang na-injure niyang pasahero.
Nang maabutan at harangin ng rider ay huminto naman ang lalaki pero kinuha nito ang kaniyag identification card at ipinagyabang na isa siyang pulis.
“Oh ito ID ko. Anong magagawa mo? Pulis ako eh,!” maangas umanong sabi ng lalaki at pagkatapos ay muling sumakay sa kaniyang motor at mabilis na pinaharurot.
“Kuya rider was de astated, his motor is damaged, and my ankle is scrapped. The police did not leave any name or number to settle it even just privately. He just took off,” ayon pa sa post ng pasahero ng rider.
“When the viral news on social media involving a police officer reached my office, I immediately ordered my police to find the identity and thoroughly investigate such incident. In our organization, we never accept such activities. It is our duty to provide fair service with integrity and professionalism to the public. If so, we will not rest until the person involved in this incident is found and held accountable,” pahayag ng QCPD chief.