Road

Nadine worldwide mapapanood ang pamatay na pagganap sa ‘Roadkillers’

February 25, 2024 Ian F. Fariñas 120 views

Simula March 1, streaming na worldwide sa Viva One ang Roadkillers – ang unang suspense action thriller project na pinagbibidahan ng multi-awarded actress na si Nadine Lustre.

Mapapanood na ng mga kababayan natin at mga global audience sa mahigit 70 countries and territories ang exciting four-part series na ito.

Sa seryeng ito, si Nadine ay gumaganap bilang si Stacey Sunico, isang mapagmahal na anak.

Dadapuan ng malubhang sakit ang kanyang tatay na si Nato. Para mabigyang-pansin ang kanyang ama sa ospital, makakagawa ng krimen si Stacey. Gayunpaman, babawian pa rin ng buhay si Nato.

Ngayon, kailangang tuparin ni Stacey ang huling kahilingan ng kanyang ama – ang mailibing sa tabi ng himlayan ng kanyang asawa, ang nanay ni Stacey. Magagawang itakas ni Stacey ang kanyang labi pero may makakaalam sa ginawa niyang krimen at nanakawin ang labi ng kanyang ama.

Imbes na magluksa, mas marami pang malagim na pagdaraanan si Stacey.

Ayon kay Direk Rae Red (Gawad Urian best director para sa Babae at Baril), matagal na niyang gustong makagawa ng proyektong iikot sa kotse at natupad na nga ito sa Roadkillers.

Siya rin ang sumulat ng script, katuwang ni Pam Miras, na nagsimula muna sa pagiging isang pelikula hanggang naging serye na may apat na episodes.

Tinitiyak niya na puno ito ng mga habulan at fight scenes na magbibigay ng adrenaline rush sa mga manonood.

Mula sa success ng Safe Skies, Archer, mapapanood na naman sa Viva One Si Jerome Ponce bilang si Marco, isang misteryosong karakter na siguradong magpapaganda sa ikot ng kwento.

Si Nato ay ginagampanan naman ng veteran actor na si Bodjie Pascua.

Nagmamay-ari siya ng talyer at dating kanang-kamay ng mayor bago sila nagkaroon ng alitan. Si Francis Magundayao ay gumaganap bilang si Jairus, nagtatrabaho para kay Nato.

Parang kapatid siya ni Stacey. Dahil dito, malapit rin siya sa panganib.

Ang Roadkillers ay produksyon ng Studio Viva at isinalarawan ito ni Nadine bilang “very gritty and not for the faint of heart.”

Siguradong pamatay na naman ang kanyang pagganap sa seryeng ito.

‘Wag palampasin ang worldwide release ng Roadkillers. Idownload ang Viva One mobile app sa App Store, Google Play o Huawei.

AUTHOR PROFILE