Nadine

Nadine walang nang duda sa pagiging mahusay na aktres

November 26, 2024 Aster Amoyo 161 views

Nadine1WALANG alinlangan na ang Viva star na si Nadine Lustre ay isa sa pinakamahusay na aktres sa kanyang henerasyon. Sa edad na 31 ay nakapag-uwi na siya ng maraming awards sa iba’t ibang award-giving bodies bilang pagkilala sa kanyang husay sa larangan ng pag-arte.

Si Nadine ay may dalawa nang tropeo bilang Best Actress mula sa FAMAS, isang Gawad Urian, isang MMFF, isang Young Circle Critics at ang pinakabago ay mula sa PMPC’s Star Awards for Movies for her 2022 MMFF box office hit movie na “Deleter”.

Ang singer-actress at dating radio DJ na si Nadine ay may bago na namang pelikula sa darating na 50th Metro Manila Film Festival, ang horror-thriller movie na “Uninvited” na tinatampukan din nina Vilma Santos at Aga Muhlach mula sa direksiyon ni Dan Villegas under Mentorque Productions.

At kamakailan, wagi si Nadine kasama si Baron Geisler sa 2024 Star Awards for Movies ng PMPC na ginanap sa Winford Hotel in Manila bilang best actress and best actor, respectively. Ang dalawa ay nanalo for their respective movies nung 2022, ang “Deleter” for Nadine at “Doll House” naman kay Baron which was shown on Netflix.

Sina Dimples Romana at Mon Confiado naman ang tinanghal na Best Supporting Actress at Best Supporting Actor respectively for their separate movies na “My Father, Myself” at “Nananahimik ang Gabi”.

Tinanghal namang Best Pictures (tie) ang family drama na “Family Matters” na pinagbidahan nina Noel Trinidad at Liza Lorena under Cineko Productions at ang historical action film na “Mamasapano: Now It Can Be Told” nina Edu Manzano, Aljur Abrenica at Paolo Gumabao under Borracho Films.

Nag-tie din bilang Best Director sina Nuel Naval ng “Family Matters” at Lester Dimaranan ng “Mamasapano…..”

Sa lahat ng winners, ang aming pagbati.

DonBelle may pruweba na bilang loveteam

DonbelleDonbelle1HINDI maikakaila na ang tambalang Donny Pangilinan at Belle Mariano ay isa sa pinaka-popular loveteam sa kasalukuyan at pruweba na rito ang kanilang sunud-sunod na successful projects sa bakuran ng kanilang home studio, ang ABS-CBN.

Naging matagumpay ang kanilang unang tambalan sa TV series na “He’s Into Her” na nagkaroon ng dalawang season maging ang kanilang unang digital movie na “Love is Color Blind” nung 2021. Their first released film sa sinehan ay ang “Inconvenient Love” na pinamahalaan ni Petersen Vargas ay pumatok din sa takilya. Ito bale ang unang pelikula ng Star Cinema after the pandemic.

Kamakailan lamang nagtapos ang kanilang bagong TV series, ang “Can’t Buy Me Love” kung saan nabuo ang tambalan nina Maris Racal at Anthony Jennings. Nariyan pa ang kanilang sunud-sunod na product endorsements both as team and individually.

Ang dalawa ay muling napapanood ngayon sa Viu Philippines’ original series sa pakikipagtulungan ng ABS-CBN and Dreamscape Entertainment, ang “How to Spot A Red Flag”.

Samantala, masaya si Belle dahil siya ang napiling kumanta ng theme song para sa Philippine release ng pelikulang “Moana 2” ng Disney Films na pinamagatang “Anong Darating?”.

Direk Efren naantig sa buhay ni April Boy kaya ginawang pelikula

AprilSA araw na ito ng Miyerkules, November 27 ay huhusgahan na sa takilya ang biopic movie ng yumaong music idol and icon na si April Boy Regino sa pamamagitan ng “IDOL: The Story of April Boy Regino” mula sa panulat at direksiyon ng actor-director na si Efren Reyes, Jr. under WaterPlus Productions. Ito’y tinatampukan ng dalawang bagitong singers-actors na sina John Arcenas at Kate Yalung.

Ayon kay Direk Efren, ipinagamit umano kay John ang mga damit mismo ni April Boy pati kuwarto nito at kinilabutan umano ang young singer-actor habang kinukunan ang kanyang mga eksena. Ang pakiramdam niya ay naroon mismo ang yumaong si April Boy sa kanilang paligid at nakamasid sa kanila.

Kapupulutan ng maraming aral ang pelikula dahil makikita ang struggles ng namayapang music icon mula sa kanyang pagkabata hanggang sa siya’y magkasakit at mabulag.

Ayon sa actor, writer at director na si Efren, hindi umano sila magkakilala ni April Boy until magsama at magkita sila sa isang event in Cagayan de Oro kung saan nito ikinuwento ang kanyang buhay. Pagbalik nila ng Maynila ay inaya umano siya (Efren) ng singer sa kanilang restaurant in Marikina City at doon sila nagkakuwentuhan pa nang matagal.

Buhay pa umano si April Boy nang pag-usapan nila na gawing pelikula ang kanyang buhay.

That was in 2019 bago pa man ang pandemic. Doon pa lamang ay nagsimula nang sulatin ni Efren ang istorya ng buhay ni April Boy na pumayag na noon na gawin itong pelikula. Ang magiging finale scene sana ng movie ay si April Boy mismo ang lalabas habang kinakanta ang kanyang classic hit song. Pero bago man nasimulan ang pelikula ay sumakabilang-buhay ang music idol nung November 29, 2020 sa kasagsagan ng pandemya.

Ayon kay Efren , bulag na umano noon si April nang sila’y magkakuwentuhan at sobra umano siyang naapektuhan sa pagpanaw ng music icon kahit bago pa lamang ang kanilang pagkakaibigan.

Nang makahanap siya ng producer (WaterPlus Production) ay sinimulan nila ang pelikula this year.

Nagpa-audition umano sila kung sino ang gaganap sa papel ni April Boy and out of 27 ay na-single out nila si John Arcenas to play the title role. Nagkataon pa na singer din si John.

Pelikulang tinanggihan ni Vilma napunta kay Lorna

Pic1THE role of Lorna Tolentino in the horror flick “Espantaho” was first offered to Vilma Santos pero dahil ginagawa na rin niya noon ang “Uninvited” ng Mentorque Productions ay hindi na niya ito tinanggap. The role was then offered to LT who was so excited to do the film with Judy Ann Santos.

Ang “Espantaho” na isa sa sampung pelikulang kalahok sa 50th Metro Manila Film Festival ay pinamahalaan ng award-winning veteran director na si Chito Rono under Quantum Films. Ang nasabing pelikula ay magsisilbing reunion movie nina LT at Direk Chito na unang horror film na pinagsamahan ay ang “Patayin sa Sindak si Barbara” in 1995.

Tiyak na magiging exciting ang darating na MMFF dahil pawang magaganda ang sampung official entries.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo

AUTHOR PROFILE