Nadine

Nadine tanggap pa rin ng Viva kahit lumayas na

August 24, 2021 Aster Amoyo 339 views

IT was September 2019 nang mag-desisyon ang Fil-Australian ex-PBB big winner-turned singer, record producer, actor and celebrity endorser na si James Reid na lisanin ang Viva, ang kumpanyang sumugal sa kanya para maabot ang kinalalagyan ngayon. Pero walang demandahang nangyari dahil expired na noon ang kanyang kontrata and he just wanted to be in control of himself at sa pagpapatakbo ng kanyang karera. A few months after ay sumunod ang kanyang ex-girlfriend at dating ka-loveteam na si Nadine Lustre pero ang kaibahan nila ni James ay may binding contract pa ito sa kanyang home studio, ang Viva Artists Agency na siyang nangangalaga ng kanyang career since she was in her teens.

Matapos magdeklara si Nadine that she’s out of Viva, dito pumalag ang Del Rosario owned corporation at kasunod na rito ang kanilang nagsampa ng kaso against Nadine na ang naging desisyon ng korte ay igalang nito (Janine) ang kanyang kontrata.

Sa recent digital presscon ng Vivamax on their 6th month anniversary, ibinahagi ng president and COO ng Viva Communications, Inc. na si Vincent del Rosario na bukas umano ang kanilang kumpanya na bigyang muli ng proyekto o mga proyekto si Nadine at maging si James.

Since hanggang 2029 pa ang kontrata ng Viva, obligasyon din ng kumpanya na bigyan ng projects si Nadine na kahit hindi nito aminin ay nag-suffer ang career during her legal battle with her home studio.

Ibinahagi rin ni Vincent na nagkausap umano recently ang kanyang dad, Viva’s chairman and top honcho na si Boss Vic del Rosario at si Nadine and the company is now pitching several projects for the singer-actress.

AUTHOR PROFILE