Nadine

Nadine: Sadly, guys, I’m not pregnant

March 18, 2023 Vinia Vivar 404 views

Hanggang ngayon ay takang-taka si Nadine Lustre kung bakit natsitsismis siyang buntis taun-taon.

Sey niya sa sa latest online episode ng “Cosmo Confessions,” ito talaga ang craziest rumor na narinig niya about herself.

“And this happens every year. I don’t know why, I don’t know how. Like people just decided that I’m pregnant every year. I don’t even look like it,” she said.

Kung sakali raw na totoong preggy siya ay hindi naman niya ididenay.

“I mean, if if I am pregnant though, I would happily announce it to the world. But sadly, guys, I’m not pregnant,” aniya.

Pahabol pa niya, “And I’m not pregnant every year.”

Actually, maraming beses na nga talagang napabalitang buntis si Nadine and there was a time na talagang inakala ng marami na true ang tsismis.

Pero hindi rin naman kataka-taka na may mga nag-iisip na baka buntis siya dahil in her previous relationship with James Reid ay aminado sila na nag-live- in sila.

Ngayon naman, she’s in a relationship with Christopher Bariou at medyo matagal-tagal na rin ang kanilang relasyon.

UNANG LABAS

Kahapon, Friday, ay nasaksihan na ang paglabas ni Sparkle artist Ashley Ortega bilang si Ponggay sa first-ever figure skating series sa bansa na Hearts On Ice.

Ang nasabing serye ang kauna-unahang lead role ni Ashley sa GMA primetime soap.

Subaybayan ang journey ni Ponggay para abutin ang nasirang pangarap ng kanyang ina na maging isang figure skating champion.

Samantala, very thankful si Ashley sa naging mainit na pagtanggap ng viewers sa pilot episode ng serye noong Lunes (March 13).

Trending topic ito sa Twitter kaya say ng dalaga, “Sa lahat po ng nagpa-trend ng Hearts On Ice kagabi, maraming, maraming salamat po sa inyo. I’m so kilig. The whole cast and production of Hearts On Ice is so kilig also.”

Todo-pasalamat din ang aktres sa mga kapwa Kapuso star na nag-congratulate sa kanya at nagpahayag ng suporta para sa show.

Ilan lang diyan sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na shinare sa Instagram ang official poster ng Hearts On Ice.

Marami pang dapat abangan sa serye at kabilang na riyan ang magiging papel ni Enzo (Xian Lim) sa buhay ni Ponggay.

AUTHOR PROFILE