Nadine, pumalag sa akusasyon ng fans na ‘cheater’ si Christophe
Pinalagan ni Nadine Lustre ang akusasyon ng isang fan niya na nakikitang may ibang babaeng kasama ang boyfriend niyang si Christophe Bariou sa Siargao.
Komento ng fan sa latest Instagram post ni Christophe, “hi sir @cbariou someone told us from siargao that you been hanging with @maryloubvckvr for these past few days using Nadine’s jeep, you’ve been always with her surfing, eating and skating,we just wondering why you always spend time with her while Nadine is in manila😔 We just hope di mo niloloko si Nadine mataas pa naman respeto namin sa iyo😔.”
Hindi ito pinalampas ni Nadine at sinagot niya nang bongga.
“Stop acting like you’re concerned. You’re just another hater tryna create drama. 2023 na, gawa nalang tayong vegan cheese,” sey ng aktres.
Hindi pa rito natapos dahil ang isa pang fan niya ay nagbigay din ng komento at sinegundahan ang sinabi ng unang supporter.
“Sana nads di siya kagaya kay james na manloloko ayaw naming makitang niloloko ka at sinasaktan 🥺 Same before lagi mong pinagtanggol pero niloloko ka pa rin 🥺we just hope yung concern ng siaoganhon na nakakita kay @cbariou at marylou ang ma li .
“Malayo ka nads yong taga siargao ang laging nakakakita kung sino palagi kinakasamang babae ni chris sa siao, so sana wag masyadong magtiwala kay @cbariou pinagdaanan mo nayan we hope u learn the lesson 🥺CONCERN KAMI SA IYO,” ang mahabang pahayag ng fan.
Sumagot muli si Nadine na halatang imbiyerna.
“How rude and offensive. Lagi ko ding kasama yung mga guy friends ko recently, but that doesn’t mean Im cheating. Di ba siya pwedeng magka friends na girls? Di ko kaya yung backwards mentality mo teh. It’s giving pre pandemic,” sagot ni Nadine.