Nadine

Nadine, patung-patong ang problema

August 4, 2021 People's Tonight 207 views

PATUNG-PATONG ang hinaharap na problema ngayon ng StarStruck alumna at Endless Love star na si Nadine Samonte.

Kaugnay ito ng kasulusugan ng asawang si Richard Chua at anak na si Heather.

Inilabaas ni Nadine kamakailan sa kanyang Instagram ang problemang hinaharap ng pamilya kaya nananawagan siya ng matinding dasal.

Ayon kay Nadine, sasailalim sa angiogram ang asawa habang ang anak na si Heaher ay may schedule ng eye surgery.

“Heather will have an eye surgery today and my husband will have his angiogram this week. You know guys Im struggling also with my pregnancy but here I am fighting and trying to be strong for all of them, all of us,” bahagi ng caption ni Nadine.

Sinasarili na lang niya ang pag-iyak upang hindi makita ng asawa’t anak ang nararamdaman.

“I can’t stop my tears while I’m typing this. Lord give me strength. I know we can do this for you,” saad pa ni Nadine.

Bumuhos naman ang dasal at pag-e-encourage sa aktres na maging matatag sa sitwasyon gaya nina Chynna Ortaleza, Mariel Padilla, Isabel Oli at iba pa.

KINAMUMUHIAN

KINAMUMUHIAN ng mga viewer sina Mon Confiado at Ashley Ortega na gumaganap bilang mag-ama sa Kapuso series na Legal Wives.

Malakas ang hatak sa viewers ng Legal Wives ngayon dahil sa kakaibang kuwento nito, cinematography at mahusay na pagkakagawa at pagganap ng artisita dito.

Nagakaroon ng special appearance sa series si Congressman Alfred Vargas bilang kapatid ng bidang si Dennis Trillo at asawa ni Alice Dixson.

Namatay na ang character ni Alfred.

Feeling namin, pakakasalan siya ni Dennis, huh!

Kaya malalaman natin kung bakit puwedeng magkaroon ng ibang asawa ang mga Maranaw sa Legal Wives. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE