Nadine may problema sa pagbubuntis

August 5, 2021 Aster Amoyo 325 views

IPINAGBUBUNTIS ngayon ng Season 1 Starstruck avenger-turned actress na si Nadine Samonte (33) ang kanilang third baby ng husband niyang si Richard Chua, ang kaisa-isang anak ng veteran actress na si Isabel Rivas. While she did not encounter any problem sa pagbubuntis sa kanilang first two kids na sina Heather Sloane (turning 5 on August 27) at si Augustus Titus (2), kakaiba ang kanyang pregnancy journey sa kanilang ikatlong baby na kamuntik pang mawala due to pregnany complications. Pero patuloy na nakikipaglaban ang actress hanggang mailuwal niya ang baby. Bukod sa pinagdadaanan ngayon ni Nadine sa kanyang pagbubuntis, sasailalim din sa angiogram procedure ang kanyang husband na si Richard at ooperahan sa mata ang kanilang panganay na si Heather.

Patuloy na nananalangin sa Diyos si Nadine na malalagpasan ng kanyang pamilya ang pinagdadaanan ngayon.

Sarah sports a new look

POP superstar Sarah Geronimo is now sporting a new look matapos ito magpaputol ng buhok courtesy of her hairstylist na si Celeste Tuviera.

This is the very first time that that singer-actress wears a short hair since she entered showbiz. In fairness, her new look made her look younger than 33.

On Sarah’s 33rd birthday last July 25, umaasa ang kanyang husband, ang singer-actor at entrepreneur na si Matteo Guidicelli na sana’y magkaroon na rin sila ng baby. The couple will be celebrating their 2nd wedding anniversary sa susunod na taon, February 20. The pandemic has made them closer at marami silang bagay na natutunan at na-discover sa isa’t isa bilang couple.

Baby Trevor mag-iisang taon na

SA October 20 ay mag-iisang taon na ang first born ng showbiz young couple na sina Janella Salvaor at Markus Paterson na si Baby Jude Trevor Paterson. The baby was born sa hometown ng Filipino-British singer-actor in England kung saan naka-base ang British father ni Markus, ang dating British Air Force Pilot na si George Trevor Paterson.

Although nag-resume na sa kanilang respective showbiz career sina Janella at Markus, nanatili silang hands-on parents sa kanilang anak na si Baby Jude na ang isa sa ninong ay ang young singer-songwriter at actor na si Inigo Pascual.

Si Baby Jude ay first grandchild ng respective families nina Janella at Markus.

Vic nadagdagan na naman ang apo

NADAGDAGAN na naman ang mga apo ng isa sa pillars ng longest-running noontime program na “Eat Bulaga” na si Vic Sotto sa paglabas ni Baby Vittorio Isaac, 5th child ng mag-asawang Oyo Sotto at Kristine Hermosa. Si Baby Vittorio Isaac ay pangwalong apo na ni Vic na may dalawang apo sa kanyang panganay na anak (sa kanyang ex-wife na si Dina Bonnevie) na si Danica Sotto at husband nitong si Mark Pringris at isa naman sa anak niyang si Paulina Sotto-Llanes at husband nitong si Jed Llanes. Tanging sa anak niyang si Pasig Mayor Vico Sotto (sa actress na si Coney Reyes) na lamang walang apo ang TV host-comedian.

‘Revirginized’ ni Sharon palabas na

STREAMING ngayon ang “Revirginized” movie nina Sharon Cuneta at Marco Gumabao sa Vivamax, KTX.ph at iba pang digital platform na nagsimula kahapon, August 6.

Bukod sa marami ang nakapanood na ng pelikula, marami pa rin ang curious na mapanood ang kabuuan ng movie dahil bukod sa pagiging controversial ng film dahil sa title at ilang ipinakitang eksena sa trailer, gusto nilang malaman kung bakit ito tinanggap at ginawa ng megastar which was writtenand directed ng most-in-demand at controversial filmmaker na si Darryl Yap na madalas naba-bash in every project he makes.

For one, sobrang bumilib si Sharon sa kakaibang istorya at tema ng pelikula at ang kakaibang atake ng director.

Although maraming tao ang judgmental even before the movie was shown, doon lamang nila lubos na naunawaan kung bakit ito tinanggap ng megastar matapos nilang mapanood sa film.

Sa pelikulang “Revirginized” ay first time ni Sharon na nakatrabaho sa movie hindi lamang and writer-director na si Darryl Yap kundi maging ang iba pang members ng cast tulad nina Cristina `Kring-Kring’ Gonzales at Rosanna Roces. Kasama rin sa movie si Albert Martinez at iba pa.

Dahil rin sa nasabing pelikula, isang kakaibang friendship ang nabuo sa pagitan nina Sharon at Rosanna maging si Direk Darryl.

Ang pelikulang “Revirginized” is a movie of many firsts. This is Sharon’s first movie in years sa kanyang dating home studio, ang Viva Films, her first time to work with Direk Daryll, Marco, Rosanna and Cristina and her first new movie shown on digital platform ngayong isang taon at kalahati nang sarado ang mga sinehan.

Marco may pakiusap sa manonood

SAMANTALA, nakikiusap si Marco Gumabao sa mga manonood na panoorin muna nila ang kabuuan ng “ Revirginized” bago nila ito husgahan para maunawaan nila kung bakit `yon ang titulo ng pelikula.

Hindi naman ikinakaila ng Viva actor na sobra umano siyang na-excite at kinabahan nang sabihan siya nang personal ni Boss Vic (del Rosario) na siya ang magiging next leading man ng megastar na si Sharon. Pinaghandaan umano niya ang kanilang unang pagkikita at eksena sa set at kanyang pansamantalang inalis sa kanyang utak na ang megastar ang kanyang makakatrabaho. Working with Sharon was one experience na hindi umano makakalimutan ng 26-year-old na binata ng dating actor na si Dennis Roldan.

Bukod kay Sharon, Viva’s newest heartthrob has already worked with Anne Curtis, Bela Padilla, Cristine Reyes, Lovi Poe, Kylie Verzosa, Janella Salvador at iba pa.

John nasa crossroads

NASA crossroads ngayon ang actor-director at entrepreneur na si John Prats kung paano niya iha-handle ang pagiging bahagi ng longest action-drama TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano” where he has been a part of since 2016 at ang pagkakatalaga sa kanya bilang bagong director ng long-running noontime show ng ABS-CBN, ang “It’s Showtime”.

Ang “FPJ’s Ang Probinsiyano” at “It’s Showtime” ay parehong produced shows ng ABS-CBN.

Since papasok na naman sa panibagong taping cycle ang “Ang Probinsyano,” pansamantala munang iiwan ni John and kanyang directorial seat sa “It’s Showtime” pero muli lamang niyang babalikan after his lock-in taping ng “Ang Probinsyano”.

Maraming beses nang napabalita na malapit na umanong magpaalam sa ere ang unbeatable “Ang Probinsyano” pero hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong namamayagpag nearing it’s 6th anniversary next month at may mga bagong characters na papasok na pangungunahan mismo ng rumored girlfriend ni Coco na si Julia Montes as Mara.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTalk with Aster Amoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE