Nadine

Nadine kinabahan kina Ate Vi at Aga

November 21, 2024 Vinia Vivar 100 views

Tinanggap agad-agad ni Nadine Lustre ang pelikulang “Uninvited” nang i-pitch ito sa kanya ni Direk Dan Villegas.

Kwento ng aktres sa grand mediacon last Wednesday sa Solaire Hotel, hindi pa tapos ang pitching ay umoo na siya agad nang malaman niya na ang makakasama niya ay sina Vilma Santos at Aga Muhlach.

“Nu’ng pinitch po kasi sa akin nina Direk Dan ‘yung project, nakakatawa, ‘yung una nilang ginawa is sinabi nila ‘yung mga kasama sa film, tapos after nu’n, parang nagbigay sila ng synopsis ng kwento.

“Hindi pa tapos ‘yung pag-e-explain nila Direk du’n and all, sabi ko, ‘Direk, game na,’” tsika ni Nadine.

“Kasi, I mean, kelan ko ba masasabi na nakatrabaho ko silang lahat in one film? So, siyempre, this is an opportunity of a lifetime, so agad-agad tinanggap ko siya,” dagdag pa ng aktres.

Sa first shooting day ay aminado siyang talagang kabado siya.

“Kasi nga, bigatin nga ‘yung mga kasama ko, but then, everyone was so welcoming, everyone was so nice, Kuya Aga and Ate Vi, so, mawawala talaga ‘yung kaba mo.

“And I think, ‘yung pressure and ‘yung kaba na ‘yun just really turned into parang mas more on just wanted to have a good time, wanted to do my best and of course, to enjoy working on the film,” aniya.

Sa “Uninvited” ay kakaibang Nadine ang mapapanood at aminado ang aktres na sobrang opposite ng totoo niyang karakter ang role na kanyang ginagampanan.

“Sobrang polar opposites kami ni Nicole (her character), so I think, si Nicole kasi, parang sobrang extreme siya, na parang mayaman, tapos, alam mo ‘yun, lahat ng vices, ginagawa niya, and then, in a way, parang may hatred siya, eh, towards her dad and kung anuman ‘yung nangyayari du’n sa mundo niya.

“Ako naman, ano lang ako, chill lang naman ako. I’m okay with everything. Also, my relationship with my dad (sa film) is not exactly the same (in real life).

“Pero ang similarity namin siguro ni Nicole, I would say is pareho kaming palaban,” pahayag ni Nadine.

Sa trailer ay ipinakita ang ilang intense scenes nila ni Aga kaya naman natanong si Nadine kung hindi ba sila naging awkward sa isa’t isa while filming the scenes.

“Everytime after ng eksena, naalala ko, merong mga adlib si Kuya Aga na as in paglabas ko ng pintuan after the scene, tawa ako nang tawa,” kwento ni Nadine.

“Iba ‘yung pakiramdam ng maeksena ko si Kuya Aga. Hindi naman siya awkward. I think, if ever, if anything, mas natuwa ako na naitawid namin ‘yung eksena nang ganu’n,” sey niya.

Ang “Uninvited” ay isa sa official entries ng 50th Metro Manila Film Festival na magsisimula sa Disyembre 25. Ito ay produced ng Mentorque Productions ni Bryan Diamante at ng Project 8 Projects sa pakikipagtulungan ng Warner Bros. Pictures mula sa direksyon ni Direk Dan Villegas.

Kasama rin sa cast sina RK Bagatsing, Mylene Dizon, Lotlot de Leon, Gabby Padilla, Elijah Canlas, Ketchup Eusebio, Gio Alvarez, Cholo Barretto, Ron Angeles at Tirso Cruz III.

AUTHOR PROFILE