Nadine engaged na sa non-showbiz BF?
Engaged na nga ba si Nadine Lustre at ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Cristophe Bariou?
Ito ang naging ispekulasyon ng netizens matapos i-post ng aktres ang love notes sa kanya ni Christophe.
“Can’t wait to discover and conquer the world with you,” ang nakasaad sa hand-written note nito kay Nadine.
Bukod dito ay nagbahagi rin ang aktres ng mga photo nila ng boyfriend.
Caption ni Nadine, “Man, oh man, you’re my best friend I scream it to the nothingness.”
Sa comment section ay halos iisa ang reaksyon ng netizens.
Feeling nila ay engaged na sina Nadine at Christophe.
Wala namang sinagot si Nadine sa mga nagtatanong.