Nadine ’di a-attend sa kasal ng ex kahit imbitahin pa
Diretsahang sinabi ni Nadine Lustre na hindi siya pupunta sa kasal ng ex-boyfriend niya kahit pa invited siya.
Nag-guest ang aktres sa programang “Brgy Season 3” ng The Filipino Channel (TFC) at dito ay natanong siya ng mga hypothetical question na “kung uninvited ka sa mga events na ‘to, ano ang magiging reactions mo?”
Isa nga sa mga tanong ay ang kasal ng kanyang ex.
Ang mabilis na sagot ni Nadine, “Okay lang, hindi ako pupunta. Enjoy!” sabay-tawa.
Sundot na tanong sa kanya ni MJ Felipe na siyang nag-i-interview, “Paano kung in-invite ka?”
Natatawang sagot ng aktres, “Hindi ako pupunta. Kaya n’yo na ‘yun, guys!”
Wala mang sinabi kung sino, alam naman ng lahat na isa lang ang well-publicized ex niya at ito ay si James Reid.
Anyway, happy na si Nadine sa kanyang lovelife ngayon with Christophe Bariou at mukhang seryoso na talaga ang kanilang relasyon dahil may mga itinayo silang negosyo.
“Cris and I are partners with a lot of different things. We have the wine, we have the restaurant in Siargao, and we have Dehusk,” sey niya