Deleter

Nadine, binansagang bagong ‘Horror Queen’

November 24, 2022 Ian F. Fariñas 80 views

“Bagong Horror Queen.”

’Yan ang titulong ikinakabit ngayon kay Nadine Lustre dahil sa 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry niyang Deleter para sa Viva Films.

Sa presscon ng nasabing techo-horror movie na dinirek ng award-winning na si Mikhail Red, tumanggi si Nadine na tanggapin ang korona although inamin niya na looking forward siya sa paggawa ng mas marami pang proyekto na horror ang genre.

Paliwanag ng aktres, “Grabe naman ‘yung Horror Queen, parang isa pa lang naman (pelikula). I’m looking forward to more horror films or projects na horror. Let’s see. Pero I don’t think I can call myself a horror queen just yet. I mean, one movie isn’t enough to claim that title.

“I don’t think I can claim that title. Kung Horror Queen ka, dapat marami ka nang nagawang horror movie. This is just my first horror movie. ‘Di ako comfortable to accept that title,” dagdag pa niya. “I don’t wanna claim it, let’s see.”

Na-stress nga raw si Nadine habang ginagawa ang Deleter dahil kumpara sa drama, mas nakaka-tense ang mga eksena.

Aniya, “Well, to be honest, na-discover ko lang po ito just because it’s my first time to do a full-length horror film. Pero sabi ko rin kay direk, direk mas stressful pala mag-shoot ng horror kesa drama.

“Kasi before, meron kasi kaming mga araw na climax ng movie na sobrang tensed nu’ng eksena so parang the whole day sobrang tensed lang ako. Siyempre, kailangan, consistent ‘yung ano, eh, ‘yung reactions mo, ‘yung emotions. So, it was really, really tiring. Saka nakaka-stress siya kasi kasama ‘yung buong katawan.”

Ginagampanan ni Nadine ang karakter ni Lyra, isang 24-anyos na shadowy online content moderator na nagpi-filter ng graphic uploads sa social media platforms.

Meron siyang madilim na sikreto na pilit niyang dini-delete na eventually ay makakaapekto sa kanya at sa kanyang trabaho.

Dahil ang Deleter ang nag-iisang horror entry sa nalalapit na MMFF, excited na si Nadine at ang co-stars niyang sina McCoy de Leon, Louise delos Reyes at Jeffrey Hidalgo sa gaganaping Parade of Stars.

Ngayon pa lang, naiisip na raw ni Direk Mikhail na gawing isang higanteng keyboard ang sasakyan nilang float.

Ipapalabas ang Deleter simula December 25 in cinemas nationwide.

AUTHOR PROFILE