Nadine at Christophe: We’re not engaged
Nilinaw na ni Nadine Lustre at ng boyfriend niyang si Christophe Bariou ang tsikang engaged na sila.
Sa isinagawang Instagram Live ni Nadine kahapon (Thursday) ay sinagot ng aktres ang ilang katanungan ng fans habang nasa kitchen sila ni Christophe at gumagawa ng sandwich.
Marami-rami ring sinagot na tanong si Nadine at tinutulungan siya ng boyfriend sa pagsagot.
Hanggang sa nagpaalam na siya dahil may work pa siya.
Bago tuluyang magbabu ay sinabi ng aktres na “and before we leave, one last thing…”
Biglang singit ni Chris, “We’re not engaged.”
Sey naman ni Nadine, “No, one last thing, I do have something coming up. This is something na three years na in the making, and we’ve been keeping it secret for the longest time pero malapit na siyang i-launch.
“So I’m very excited for this project. I haven’t really dropped any other hints about it, about this project. But soon, we’ll start doing our teasers and everything. So I hope you all support this,” sey ng aktres na nagbibida muli sa horror film na “Nokturno” ni Direk Mikhail Red.
Maliban sa pagtanggi ni Chris na engaged sila ay wala namang idinagdag pa si Nadine tungkol dito.
Matatandaang inakala ng lahat na engaged na sina Nadine at Christophe dahil ibinahagi ng aktres sa kanyang IG ang love note sa kanya ng BF.
Nakasaad sa sulat na “can’t wait to discover and conquer the world with you.”