Mylene

Mylene nag-enjoy sa mga mas bata

May 23, 2022 Aster Amoyo 75 views

ENJOY si Mylene Dizon na katrabaho ang mga young stars. “I like working with new generation actors,” banggit ni Mylene sa presscon ng ‘Love in 40 Days’ kung saan bida ang reel-and-real life couple na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

“May natutuhan ka rin sa kanila. Sino ba ang mag-akala na makapagsusuot ako ng mid-rib? Eh dahil nagsusuot sila, ginaya ko na rin. May natutunan din naman ako sa kanila,” sabi ni Mylene.

“You are working in a fresh environment, not because nandoon ang mga bata, kundi pati ‘yung ibang stars na I haven’t worked with. I am glad na I am being given the opportunity to work with them. Why not give them the chance and the opportunity to work.”

Sa seryeng ‘Love in 40 Days’ ay gumaganap si Mylene as the strict mother of Ronnie.

World Gameboys Day ipinagdiwang

MULING nagsama-sama ang fans ng higly-successful BL series na ‘Gameboys’ last Sunday, May 22 to celebrate World Gameboys Day.

Ito rin ang nagsilbing launching ng season 2 ng highly-acclaimed series na minahal ng publiko since ipinalabas ito worldwide two years ago sa panahon ng pandemya.

Dahil sa Gameboys, na project ng The Idea First Company, sumikat at naging byword sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas. Sinundan ng netizens ang kwento nina Gav at Cairo. Marami ang naka-relate sa kwento nila at every week ay pinag-uusapan sa cyberworld ang mga naganap sa episode.

After the first season ng Gameboys ay gumawa naman ang The Idea First ng unang movie ng Gameboys na mainit din tinanggap ng mga fans nina Kokoy at Elijah.

Last Sunday at 8 pm ay ipinalabas na ang dalawang episodes ng Gameboys season 2. Gaya ng sinabi nina Elijah at Cocoy, kahit na napanood mo amg film version ng Gameboys, dapat ka pa rin manood ng season 2 episodes ng Gameboys dahil maraming eksena sa season 2 na wala sa movie version.

Ngayon pa lang ay kinikilig na ang fans nina Kokoy and Elijah sa mga eksenang aabangan nila sa dalawang bida.

Lotlot natutong mag-Tiktok dahil sa young co-actors

FOR her part, sinabi ni Lotlot de Leon na tulad ni Mylene Dizon ay nag-enjoy din siya working with today’s young stars.

“Masarap katrabaho ang young actors kasi very light ang atmosphere sa set. At saka napakabait nilang lahat. If there is one thing that I am thankful for is lahat ng mga bagong actors ay mahuhusay,” sabi ng mother ng award-winning actress na si Janine Gutierrez.

Sabi pa ni Balot, naging close daw siya sa lahat ng young stars na kasali sa serye. “Barkada ko silang lahat,” pag-amin pa ni Lotlot.

Dahil daw sa mga young stars na kasali sa ‘Love in 40 Days’ ay nakapag-tiktok siya.

“Pinag-tiktok nila ako.Pero kidding aside, nakatutuwa na makita sila na mag-grow in the field that you have chosen. And I know that these kids want to work hard and ipinapakita nila na mahal nila ang trabaho nila.”

Sabi pa ni Lotlot, hindi raw sila binigyan ng sakit ng ulo ng mga bata.

AUTHOR PROFILE