MWPs sa Malate, Sampaloc timbog

April 26, 2022 Jonjon Reyes 55 views

NABINGWIT ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD)-Malate Police Station 9 ang isang 30-anyos na pedicab driver habang naaresto naman ng Police Station 4 ang isang wanted naman sa magkahiwalay na lugar sa Intramuros at Sampaloc, Maynila.

Nakilala ang dalawang nasa “most wanted persons” (MWPs) na sina Russel Nierras, 30, binata, pedicab driver, ng Cabildo St., Maisan Compound, Intramuros dahil sa kasong frustrated Homicide, at si Reynante Pangilinan, nasa hustong gulang, ng Matimyas St., Sampaloc.

Ayon kay P/Lt. Col. Rodel Borbe, station commander ng MPD-Station 9, bandang 10:30 a.m. nitong nakaraang Lunes nang arestuhin si Nierras sa bahay nito sa Intramuros sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Hon. Josefina Siscar, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 55 ng Maynila na may petsang Hunyo 7 , 2021 dahil sa frustrated homicide.

Samantala sa ulat naman ni P/Lt. Col. Gene Licud, commander ng MPD-Station 4, bandang hapon nitong Lunes, nang ikasa ng kanyang mga tauhan ang pag-aresto kay Pangilinan sa kanyang bahay, dahil sa inisyung warrant of arrest sa kasong robbery holdup.

AUTHOR PROFILE