Default Thumbnail

MWP timbog sa droga

October 12, 2021 People's Tonight 301 views

PASOK sa kulungan ng Manila Police District Malate Police Station 9 ang isang 39-anyos na binata matapos maaresto sa isang drug operation at nadiskubreng nasa top 6 most wanted nang makita ang arrest warrant laban sa kanya.

Dahil dito, bukod sa paglabag sa Republic Act 9165 Art.ll Section 5 at 11, paglabag sa R.A 10591 ang kinahaharap ng suspek na nakilalang si Reynold Acuning, jobless, residente ng 1409 A Linao St., Brgy. 736, Paco.

Bandang 11:15 ng tanghali nang magsagawa ng buy bust ang mga operatiba sa kahabaan ng Escoda na sakop ng Brgy. 673 Paco noong Lunes.

Narecover ang 6 na plastic sachets ng hinihinalang shabu na tumitimbang sa 5.5 gramo at may street value ng P37, 400. Nakuha rin sa akusado ng isang kalibre 38 pistol.

Si Acuning ay kabilang din sa Most Wanted Persons at may kasong frustrated murder. Isang arrest warrant ang inisyu laban sa kanya ni Judge Virgilio Almeda, ng Regional Trial Court Branch10 ng Manila.

AUTHOR PROFILE