Rape Ang ‘rape’ suspek (gitna) habang kinakausap ng mga otoridad.

MWP sa ‘rape’ timbog sa San Pascual

June 6, 2023 Jojo C. Magsombol 204 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas – Tiklo ng magkasanib na puwersa ng kapulisan ang isang “most wanted person” (MWP) sa regional level sa kasong “rape” sa isinagawang operasyon ng Batangas PNP (Philippine National Police) sa San Pascual, Batangas Lunes, Hunyo 5, 2023.

Batay sa report ni Bauan Municipal Police Station (MPS) chief P/Maj. Allan De Castro kay Batangas police director Police Colonel Rainerio M. De Chavez, ang akusado ay isang 26-anyos na welder ng San Pascual, Batangas.

Ayon kay De Castro, dakong alas-8:45 ng umaga, bitbit ng mga operatiba ng Bauan MPS kasama ang Regional Intelligence Unit (RIU) 4A Provincial Intelligence Team (PIT) Batangas, Regional Intelligence Division (RID) 4A, RIT Batangas, 403rd AMC RMFB4A, Batangas MARPSTA at ng SOU3 Maritime Group ang warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court (RTC), Branch 1 ng Batangas na may petsang Setyembre 19, 2022 at inihain ito sa suspek sa sariling tahanan nito.

Lumalabas sa imbestigasyon na noong Disyembre 2018 ay pinagsamantalahan diumano ng suspek ang biktimang menor de edad na umano’y kanyang pamangkin.

Nahaharap ang akusado sa kasong “rape” na walang inirekomendang piyansa.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa nabanggit na istasyon ng pulisya habang inihahanda pa ang mga kaukulang dokumento.

“Ang Batangas PNP ay lalong palalakasin ang intelligence gathering upang maaresto ang mga kriminal na nagtatago at lumabag sa batas ng sa gayon ay mapanatiling ligtas, maayos at tahimik na probinsya,” saad ni De Chavez

AUTHOR PROFILE