Default Thumbnail

MWP sa ‘rape’ timbog sa Baseco

September 20, 2022 Jonjon Reyes 272 views

INARESTO ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Baseco Police Station 13 , ang isang 52-anyos na tauhan ng City Security Force (CSF) ng Manila City Hall dahil sa kasong panggagahasa sa Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Ayon kay Police Lt. Col. Rodel B. Borbe, commander ng MPD Baseco Police Station 13, bandang alas-3:00 ng hapon, Lunes nang bitbitin ang suspek sa harap ng Corazon Aquino High School sa Baseco Compound, sa Port Area.

Ang suspek ay itinuturing na no. 3 “most wanted person” (MWP) sa station level at natunton ito sa nasabing lugar sa tulong ng isang impormante.

Bitbit ang arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Mariesther Verdana ng Regional Trial Court Branch 48 ng Maynila, sa kasong panggagahasa laban sa MWP.

Pinuri at pinasalamatan naman ni MPD Director P/Brig. Gen. Andre P. Dizon, si Borbe at ang mga tauhan nito sa mabilis na aksyon at pagtalima sa naging kautusan nito sa mga miyembro ng MPD ang palaging paiiralin ang “Seen, Appreciated and Felt by the people through Extraordinary actions” (SAFE) na may temang “Malasakit+Kaayusan+Kapayapaan= Kaunlaran”.

Bukod pa na dapat pairalin ayon na rin sa direktiba ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Gen. Jonnel Estomo ang “KASIMBAYANAN” (Kapulisan, Simbahan at Pamayanan).

AUTHOR PROFILE