Default Thumbnail

MWP sa ‘rape’ tiklo sa San Pedro

April 18, 2023 Gil Aman 177 views

KAMPO HENERAL PACIANO RIZAL – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang isang lalaki na may kasong two counts of statutory rape at nakatala bilang “most wanted person” (MWP) sa manhunt operation ng San Pedro police, Lunes, Abril 17.

Ayon kay P/Col. Randy Glenn G. Silvio, acting provincial director, Laguna Police Provincial Office (PPO), ang akusado ay residente ng San Pedro City, Laguna.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Rolly Liegene, hepe ng San Pedro police, ikinasa ng warrant personnel ang operasyon laban sa MWP, 1:30 ng hapon sa Bgy. Nueva sa nasabing lugar at nadakip ang suspek sa bisa ng arrest warrant na inilabas nitong Enero 11, 2023.

Nahaharap sa kasong statutory rape ang MWP at nilagdaan ang warrant ni Judge Nanette Mendoza Austria, Regional Trial Court, Branch 170 ng San Pedro City, Laguna at walang inilaang piyansa.

Ang suspek ay nasa kustodiya na ng San Pedro police para sa disposisyon at iimpormahan ang pinagmulan ng warrant of arrest nito.

Nagpahayag si Silvio na “Patunay lang na ang ating kapulisan ay patuloy na kumikilos upang makamit ang hustisya ng mga biktima ng kasong rape. Nagpapasalamat din po kami sa mga mamamayan sa pakikipagtulungan sa ating mga kapulisan dito sa lalawigan ng Laguna.”

AUTHOR PROFILE