Default Thumbnail

MWP sa ‘rape’ huli sa San Juan

April 22, 2023 Jojo C. Magsombol 266 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas – Dinakip ng mga otoridad ang isang “most wanted person” sa mga kaso ng “rape” sa Barangay Buhaynasapa, San Juan, Batangas, Miyerkules ng umaga.

Ayon sa report kay Batangas police director P/Col. Pedro D. Soliba ni Lt. Col. Jesus F. Lintag, hepe ng San Juan Municipal Police Station (MPS), ang akusado ay isang 40-anyos na binata at residente ng Bgy. Laiya-Aplaya, San Juan, Batangas.

Nasakote ng puwersa ng kapulisan ng intelligence operatives ng San Juan MPS (lead unit) kasama ang Provincial Intelligence Unit (PIU) Batangas, ang Regional Intelligence Division (RID) 4A, Regional Intelligence Team (RIT) Batangas, 403rd A MC Regional Mobile Force Branch (RMFB)4A, sa isang manhunt operation ang MWP dakong alas-11 ng umaga (Abril 19) sa tirahan nito para sa seven counts of rape.

Ang arrest warrant ng suspek ay ibinaba ni Judge Rose Marie J. Manalang-Austria ng Regional Trial Court Branch 87 ng Rosario, Batangas, Enero 26, 2023 at walang piyansang inilaan.

Ang akusado ay kasalukuyang nakapiit sa San Juan MPS para sa tamang disposisyon.

AUTHOR PROFILE