Default Thumbnail

MWP sa iligal na armas, huli sa Cavite

May 5, 2023 Jonjon Reyes 304 views

NATIMBOG ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang isang lalaki na “most wanted person” (MWP) sa pag-iingat ng iligal na armas umano matapos na matunton ito sa pinagtataguang lugar sa Cavite.

Ang nadakip na suspek ay wanted sa paglabag sa Republic Act (RA) 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Rexson Layug, commander ng MPD Meisic Police Station (PS) 11, namataan umano ang suspek sa isang subdivision sa Trece Martires City, Cavite.

Bitbit ng mga tauhan ni Layug, kasama si Patrolman Dela Cruz ng Regional Mobile Force Batallion (RMFB) ang arrest warrant laban sa suspek na nakatala sa top 10 na MWP sa district level.

Hindi naman umano nagawang pumalag ng suspek at kusang loob itong sumama sa mga awtoridad.

Nagpasalamat naman si MPD Director P/BGen. Andre P. Dizon sa mga tauhan ng PS-11 na dulot ng pinaiiral na “Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations” (SACLEO) at “Oplan Galugad” laban sa mga pinaghahanap ng batas at kriminalidad.

AUTHOR PROFILE