Casagan Kinakausap ni P/Capt. Rufino Casagan, hepe ng DPIOU-MPD ang suspek na tulak umano ng iligal na droga, matapos maaretso sa bisa ng warrant of arrest sa Tondo, Maynila. Kuha ni Jon-jon Reyes

MWP sa ilegal na droga timbog sa Tondo

February 3, 2023 Jonjon Reyes 290 views

KALABOSO ang isang “most wanted person” na tulak diumano ng ilegal na droga matapos na arestuhin ng mga operatiba ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) ng Manila Police District (MPD) nang ikasa ang warrant of arrest nito sa Barangay 217 , Tondo, Maynila, Miyerkules ng hapon.

Ayon kay P/Cpl.Jessie James Butawan, ang suspek ay 45-anyos, tricycle driver, ng nasabing lugar.

Ayon kay Police Captain Rufino Casagan, hepe ng DPIOU-MPD, pasado alas 2:30 ng hapon (Pebrero 1), nang isilbi ang warrant of arrest sa MWP.

Pinangunahan ni P/Capt. Veronica Apresurado, assistant team leader ng grupo, ang pag-aresto sa suspek, batay sa utos ni P/Col. Samuel Pabonita, hepe ng District Investigation Division (DID).

Ang warrant of arrest ay inisyu ni Presiding Judge Grace Chavez-Ty ng Regional Trial Court, Branch 117 ng City of Manila, may petsang Disyembre 2, 2021 dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 na may inirekomendang piyansang P200,000 sa Section 11 at wala sa violation ng Sect. 5.

Nagpasalamat naman si MPD Chief P/Brig. Gen. Andre P, Dizon sa mga operatiba ng DPIOU sa ilalim ni Casagan sa maayos na pagkilos nito laban sa mga wanted sa batas at pangangalaga sa mamamayan ng Lungsod ng Maynila.

AUTHOR PROFILE