Posas

MWP sa homicide timbog sa Balete

December 20, 2023 Jojo C. Magsombol 271 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas – Nahuli ng mga otoridad noong Lunes ang isang most wanted person dahil sa kasong homicide sa Bgy. Palsara, Balete, Batangas.

Ayon sa report ni Batangas police director P/Col. Samson B. Belmonte kay Police Regional Office (PRO) Calabarzon (Cavite/Laguna/Batangas/Rizal/Quezon) Regional Director P/Brigadier Gen. Paul Kenneth Lucas, ang akusado ay nakilalang isang alias Pando, 48, may asawa, walang trabaho at residente ng Bgy. Palsara.

Ang mga operatiba ng Balete town police sa pangunguna ni PCPT Ricky Paras Gonzales, OIC, kasama ang 403rd A MC RMFB 4A, Batangas PIU at MARPSTA SOU3 ay nagsagawa ng operasyon dakong 9:33 a.m. ng December 18, 2023, laban sa akusado.

Ang pag-aresto sa tinaguriang most wanted person sa municipal level ay base sa warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC), Fourth Judicial Region, Branch 83 ng Tanauan City, Batangas para sa kasong homicide.

Kasalukuyang nakaditine ang akusado sa piitang bayan ng Balete para sa proper documentation.

AUTHOR PROFILE