Arsonist Ang suspek sa ‘arson’ (nasa kanan) habang inihahain ang warrant of arrest.

MWP sa ‘arson’ timbog sa Rosario

June 20, 2023 Jojo C. Magsombol 139 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas – Arestado ang isang “most wanted person” (MWP) ng Calabarzon (Cavite/Laguna/Batangas/Rizal/Quezon) sa regional level sa kasong “arson” sa isinagawang manhunt operation dito.

Ang pinagsama-samang tracker team ng Rosario Municipal Police Station (MPS), Regional Intelligence Unit (RIU) 4A, Provincial Intelligence Team (PIT) Batangas, Provincial Intelligence Unit (PIU) Batangas, Batangas Maritime Police Station, Special Operations Unit (SOU) 3 at Maritime Group ang naglunsadn ng nasabing operasyon, Lunes ng umaga, Hunyo 19, 2023.

Ayon sa report ni Batangas Police Provincial Office (BPPO) Officer-in-Charge (OIC) Col. Rainerio M. De Chavez kay PRO (Police Regional Office)-Calabarzon Acting Regional Director PBGen. Carlito Gaces, ang 25-anyos na suspek, walang asawa ay pawang nakatira sa bayan ng Rosario.

Naaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng presiding judge ng Regional Trial Court (RTC), Branch 8, Pallocan West, Batangas City na may petsang Agosto 02, 2019 at walang inilaang piyansa.

Naganap umano ang krimen noong Hunyo 9, 2018 bandang alas-9:30 ng umaga sa San Pascual, Batangas na nagdulot ng pinsala sa tirahan ng isang mag-asawa na umabot sa P100,000 ang halaga ng napinsalang ari-arian.

Nagsampa umano ng pormal na reklamo ang mga biktima laban sa akusado.

“Ang Pambansang Pulisya ay hindi tumitigil sa paghuli sa mga taong may pananagutan sa batas upang maibigay ang hustisya sa mga naging biktima nito,” sabi ni De Chavez.

AUTHOR PROFILE