Default Thumbnail

MWP na trike driver timbog sa ‘theft’

March 25, 2023 Jonjon Reyes 241 views

ISANG 50-anyos na lalaki ang inaresto ng mga operatiba ng MPD Malate Police Station (PS) 9 dahil sa kasong pagnanakaw at nakatala bilang “most wanted person” (MWP) sa nasabing kaso o “theft,” Sabado ng umaga sa Otis Bridge, Pandacan, Maynila.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, ang suspek ay binata, at residente ng Pandacan, Maynila.

Batay sa ulat ni P/Capt. Jose Ric Morelos, ng Warrant Section ng PS-9, bandang alas-10:30 ng umaga, bitbit ng kapulisan ang arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Emma S. Young ng Regional Trial Court (RTC) Branch 36 ng Maynila na may petsang Pebrerong 18, 2019 dahil sa kasong pang-uumit na may piyansang P40,000.

Ayon naman kay Tangdol, patuloy nilang ipinapatupad at tumatalima sa programa ng MPD Director na si P/Brigadier Gen. Andre P. Dizon na “Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations” (SACLEO) at “Oplan Galugad” laban sa mga kriminal na nagtatago sa batas at pagsugpo sa kriminalidad upang maging mapayapa at ligtas ang mga mamamayan ng Lungsod ng Maynila.

AUTHOR PROFILE