MWP dahil sa parricide timbog

October 14, 2021 Melnie Ragasa-limena 169 views

NASAKITE ng pulisya ang 29-anyos na lalaking itinuturing na District Level Most Wanted Person dahil sa kasong parricide sa isinagawang operasyon sa Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Sa report ng Batasan Police Station (PS 6) ng Quezon City Police District (QCPD), ang suspek ay nakilalang si Alfredo Reyes III, 29, at residente ng Kasunduan Extensiyon, Brgy. Commonwealth, QC.

Ayon kay PLt. Col. Alexy Sonido, hepe ng QCPD-PS 6, si Reyes ay inaresto ng mga awtoridad sa kanyang tahanan dakong alas-6 p.m. (October 12).

Hindi na nakapalag si Reyes nang arestuhin ng mga awtoridad sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Primo Sio Jr., ng Quezon City Regional Trial Court (RTC), dahil sa kasong parricide na kinakaharap nito.

Si Reyes ay nakapiit na at walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa kanyang pansamantalang kalayaan.