Default Thumbnail

MWP accountant timbog sa qualified theft

March 12, 2022 Jonjon Reyes 540 views

INARESTO ng mga operatiba ng Manila Police District-Warrant Section ang isang accounting officer na sangkot sa 9 counts ng qualified theft sa Aguinaldo Highway sa panulukan ng Tirona Highway, Bacoor, Cavite Huwebes ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Nikka Mae Capulong, 24, dalaga at residente ng Purok 4 Polilio, Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Magno Gallora Jr., commander ng MPD-Binondo Police Station 11, dala ang arrest warrant na inisyu ni Judge Marvic Balisi-Umali ng Regional Trial Court Branch 20 Manila, bandang alas-9:30 ng gabi naaresto ang suspek sa nasabing lugar.

Gayunman, may inirekomendang piyansang P340,000 ang korte sa kinakaharap na kaso ni Capulong.

Sa imbestigasyon ng pulisya sa pangunguna nina P/Lt. Roderick Tan ng Warrant Section at ni P/Maj. Ronilo Aquino ng 4th MFC-RMFB, ang pag-aresto kay Capulong ay bunga din na nasa top 3 na most wanted person (MWP) ang suspek. Nina Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE