
Murder, theft suspek nabingwit sa Maynila
NABINGWIT ng mga operatiba ng Manila Police District-Pandacan Police Station 10 ang suspek sa kasong frustrated murder matapos inguso ng informant sa Brgy. 846, Zone 92, Pandacan, Maynila noong Sabado.
Bandang ala-1:10 ng hapon nang arestuhin ang nakilalang suspek na si Rafael, 20, ng naturang lugar.
Pwedeng makalaya pansamantala ang suspek kung makakapag-piyansa ng P200,000, ayon sa mga pulis.
Samantha, isang suspek sa kasong qualified theft ang natimbog sa selda ng Manila City Jail sa Quezon Boulevard, sa Sta. Cruz Maynila noong Biyernes ng hapon.
Sinilbihan ang suspek na si alyas Jayson ng arrest warrant na inisyu ni Hon. Janice Rojas Yulo-Antero, presiding judge ng Regional Trial Court Branch 16.