Default Thumbnail

Murder suspek tiklo sa MPD-DPIOU

June 1, 2023 Jonjon Reyes 424 views

ISANG 38-anyos na lalaki ang nalambat ng mga operatiba ng District Police Investigation Operation Unit (DPIOU) ng Manila Police District (MPD), dahil sa kasong “murder” nang masakote ito sa kahabaan ng Efipaño Delos Santos Avenue (EDSA) Guadalupe Viejo, lungsod ng Makati umaga ng Huwebes Hunyo 1, 2023.

Ayon kay “The Game Changer General” MPD Director PBGen. Andre P. Dizon, ang suspek ay pawang residente ng Taguig City.

Batay sa ulat na isinumite ni P/Cpt. Rufino Casagan, hepe ng DPIOU, kay P/Col. Samuel Pabonita, chief ng District Intelligence Division (DID) ng MPD, bandang 6:30 ng umaga, nang maispatan ang suspek sa nasabing lugar, makaraan ang ilang araw na surveillance dahil sa umano’y palipat-lipat ito ng pinagtataguan.

Sa pangunguna ni P/Cpt. Veronica Apresurado, team leader ng grupo, kasama ang ilang tauhan nito, ay nagtungo ito sa lugar makaraang inguso ng isang impormante.

Bitbit ang arrest warrant na inisyu ni Judge Felixberto Olalai Jr. ng Regional Trial Court, Branch 8 ng Maynila dahil sa kasong pagpatay na walang inirekomendang piyansa at inaresto ang suspek matapos ito isilbi sa kanya.

Ang akusado ay nakatala bilang isa sa mga “most wanted person” sa district level.

Pinuri naman ni Dizon ang buong tauhan ng DPIOU sa pagtalima sa mga programang “Oplan Galugad” at SACLEO.

AUTHOR PROFILE