
Murder suspek sa Maynila tiklo
TIMBOG sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD)- Pandacan Police Station 10 noong Sabado ang isang 32-anyos na jeepney driver na suspek sa pagpatay.
Nakilala ang suspek na alyas Alex ng 146-A Osmena St., Brgy. 112 Raxabago, Manila. Nahuli ang suspek sa Ick St., Brgy 866, Sta Ana, Manila.
Base sa ulat ni Police Captain Vianny Ortiz at Police Captain Ramel Lucero, bandang alas 2:40 ng hapon nang arestuhin ang suspek matapos mamataan sa nasabing lugar.
Tinimbog ang suspek nang atasan ni Police Lieutenant Colonel Maria Agbon, station commander ng Pandacan police station.
Agad namang tinungo ng mga pulis sa pangunguna ni Police Capt. Jeffrey Montero, chief ng warrant and intel section, ang kinaroroonan ng akusado.