Murder suspect natunton sa kuta

March 23, 2022 Edd Reyes 151 views

BUMAGSAK sa kamay ng Northern Police District (NPD) ang umano’y kilabot na drug pusher na wanted sa kasong murder at frustrated murder makaraang matunton sa kanyang kuta Martes ng hapon sa Pangasinan.

Kinilala ni NPD Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo, Jr. ang nadakip na suspect na si Jimmy Abaya na umano’y lider ng “Reyes and Abaya Criminal Gang” at numero uno sa listahan ng Priority Database on Illegal Drugs (PDID) ng naturang distrito ng kapulisan.

Dinakip si Abaya ng pinagsanib na puwersa ng District Intelligence Division ng NPD at Station Intelligence Branch (SIB) ng Malabon police dakong alas-3:30 p.m. sa Zone 4 Brgy. Bued, Alaminos City, Pangasinan sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Anna Michella Cruz Atanacio-Veluz ng Malabon Regional Trial Court (RTC) Branch 169 na mga kasong Murder at Frustrated Murder.

Sa ulat na natanggap ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot, sangkot umano si Abaya at kanyang grupo sa iba’t-ibang uri ng krimen, partikular na sa pagbebenta ng ilegal na droga, pagdukot at pagpatay.

Pinuri naman ni Hidalgo ang magkasanib na puwersa ng DID at Malabon police sa matagumpay na pagdakip kay Abaya.

AUTHOR PROFILE