MMDA2

Mural designs sa EDSA parte ng MMFF 50th year

August 16, 2024 Jun Nardo 321 views

KAABANG-ABANG ang gagawing project ng Metro Manila Development Authority (MMDA) dahil magkakaroon ng MMFF-themed Mural Designs along EDSA.

Nagkaroon ng pirmahan ng Memorandum of Agreement (MOA) ang MMDA at iAcademy last Thursday to craate murals that will showcase iconic films from the Metro Manila Film Festival (MMFF) bilang bahagi ng 50th anniversary celebration this year.

Sa partnership, ipipinta ng iAcademy students ang murals featuring some MMFF posters mula sa nakaraang 50 years na may makulay at nostalgic art display along EDSA.

“We will make EDSA nostalgic through murals of handpainted movie posters to celebrate na rich history of MMFF,“ ayon kay MMDA acting Chairman Atty. Don Artes.

Samantala, iAcademy Chief Operating Officer Racquel Wong expressed gratitude for the trust of MMDA.

Sa darating na September ang simula ng pagpipinta sa selected walls along EDSA.

NAKIPAGSABAYAN

NAKIPAGSABAYAN si Isko Moreno kay Alden Richards sa “Dying Inside” challenge na ginawa nila sa US/Canada Sparkle World Tour kung isa ang former Manila mayor sa performers along with Ai-Ai de las Alas, Rayver Cruz, Julie Anne San Jose, Boobay at Alden Richards.

Successul ang US leg na unang ginawa sa Anaheim at San Francisco, California.

Last August 11 ay tumulak ang grupo papuntang Calgary, Canada at sa Southville Alliance Church ginanap ang matagumpay na show.

Idinagdag ang 4th show sa Toronto last August 17 sa Bathurst Street at Wilson Avenue.

Sa Viber message sa amin ni Isko, “Grabe ang pagtanggap ng mga kababayan natin dito. Kahit dito, sabi nila, ‘Bumalik ka na hahaha!’”

Of course, ang sinasabing pagbabalik, eh, may kinalaman sa muli niyang pagtakbo sa Manila bilang mayor na umabot na hanggang ibang bansa, huh!

AUTHOR PROFILE