Knife

Muntik mamatay dahil sa tinapay

August 10, 2023 Melnie Ragasa-limena 175 views

SUGATAN ang isang lalaki matapos saksakin habang bumibili ng tinapay sa bakery sa Quezon City noong Huwebes ng umaga.

Ginagamot sa isang ospital sa Quezon City ang biktimang si Aries Orsal, 34, ng Brgy. Old Balara.

Nakilala lamang ang suspek sa alyas na Oliver, ng Everlasting St., Brgy. Batasan Hills.

Sa report ng Batasan Police Station, nangyari ang insidente alas 9:00 ng umaga noong Agosto 10, 2023 sa Laura St., Brgy Old Balara.

Naglalakad umano ang biktima papunta sa isang bakery para bumili ng pandesal nang pagtripan ng suspek. Nakapanlaban ang biktima at gumanti ng suntok.

Ngunit sa kalagitnaan ng suntukan bumunot ng patalim ang suspek at sinaksak ang biktima sa kanang dibdib. Agad na tumakas ang suspek sakay ng kaniyang motorsiklo.